SATURDAY ✻
❥ Ano bang masasabi ko sayo about today? Haru~ Kuwento ko nalang yung pagbisita ko kay cessy kahapon. So after nga ng classes ko, binisita ko siya sa Hospital. Nagrereklamo nga kasi nung kinamusta ko siya nung isang aaw na di ko daw siya binibisita at mas inaatupag ko ang pag i-stalk ko kay Tracey baby. IM NOT STALKING NGA HIM KASI! =__= Balik tayo sa topic. Binisita ko siya kahapon. Aba pagdating ko dun, humingi ng Mashed potato. Kailangan daw nun para makapasok. Kung hindi ko lang yan love, grr~ So ayun. Buti nalang malapit KFC dito kaya binilhan ko nalang siya. Binigay ko sakaniya ung mashed potatoe, sabi niya "Bakit isa lang? Dalawa!" Sagot ko? "Aba woy~ Hindi ako si Kuya Jace cessy ah." Tinawanan lang ba ako. Bruhita! -__- Nagbibiro lang daw siya, ang pikon ko daw. chechechenes. Maya maya dumating din si Ellen. Aba, blooming. Anyare diyan? Tinanong ko naman kung bakit blooming, secret daw. ampft~ Pero ting! May idea na pumasok mind ko. Pinabalik ko si ellen sa pintuan. Yung mukha niya parang sinasabi na "What the eff are you doing?!" HAHAHAHA. Sabi ko, "BAWAL PUMASOK ANG WALANG DALANG BROWNIES!" It's payback time beybeh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento